Pikit

Damdaming nagpupumiglas,

tuluyan ng nakalabas.

Nagbabadyang mga luha

tuluyan nang nakawala.

Ipipikit na lang aking mga mata

upang hindi na madama,

ang sakit na dulot nitong pagsinta.

Puot at galit sana’y tuluyan nang mawala.

Ikaw ang tanging himlayan

ng aking pagod na isipan.

Ngunit kailangan ng lumayo,

ng pgsinta’y tuluyan ng maglaho.


Vingt-Quatre Theme
Design by Athenability
Powered by Tumblr